Pinag-aaralan ng DepEd na gawing 2 weeks na lang ang summer vacation

Pinag-aaralan ng DepEd na gawing 2 weeks na lang ang summer vacation


Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) na gawing dalawang linggo na lamang ang summer break ng mga mag-aaral sa elementarya at high school.

Kadalasang dalawang buwan ang summer break o summmer vacation ng mga mag-aaral sa Pilipinas.

Isa umano sa dahilan ay upang makumpleto ng mga mag-aaral ang kanilang mga school requirement sa distance learning ngayong pandemya.

Sa Hunyo 11 na dapat magtatapos ang klase ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan, batay sa school calendar para sa taong 2020-2021.

Ani DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio nitong Miyerkules sa isang panayam sa telebisyon, ay pahahabain naman daw ang kasalukuyang school year para makumpleto ng mga mag-aaral ang kanilang mga school requirements sa ilalim ng distance learning program ngayong pandemic.





No comments