Loan Moratorium for All DepEd Employees

Loan Moratorium for All DepEd Employees


Mga dapat malaman tungkol sa pagsususpinde ng pagbabayad ng loans ng teaching and non-teaching personnel

1. Ano ang loan moratorium?
• Ito ay isang pansamantalang pagtigil o pagpapaliban ng pagbabayad sa loan.
• Sa panahon ng 'moratorium', hindi kinakailangang magbayad ng buwanang hulog, interes, o iba pang kaugnay na bayarin ang nangungutang sa loob ng itinakdang panahon.

2. Ano-ano ang mga naging aksyon ng DepEd?
• Hiniling ng DepEd sa lahat ng financial institutions na suspendihin ang pagbabayad ng loan.
• Nakipag-ugnayan sa GSIS na magpatupad din ng kaparehong pagsususpinde para sa kanilang mga miyembro.
• Hiniling din sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi ituring ang loans ng DepEd personnel na non-performing loans, partikular simula December 2024 hanggang March 2025.

3. Gaano katagal ang pagsuspinde sa pagbabayad ng loan?
• Para sa lahat ng kawani ng DepEd: Suspendido para sa December 2024. Magsisimula muli ang pagbabayad sa January 2025.
• Para sa mga direktang apektado ng bagyo: Tatlong (3) buwan mula January 2025 hanggang March 2025. Magsisimula ang pagbabayad muli sa April 2025.

4. Sino ang sakop ng pagsuspinde sa pagbabayad ng loan?
• Para sa December 2024 na pagsususpinde: Lahat ng kawani ng DepEd.
• Para sa January-March 2025 na pagsususpinde: Mga bona fide residents o personnel ng DepEd sa mga lugar na idineklarang calamity areas ng appropriate government agencies, kabilang ang Office of the President, LGUs, o Office of Civil Defense simula September 2024.

5. Ano ang sakop ng pagsuspinde sa pagbabayad ng loan?
• Saklaw nito ang lahat ng charges, costs, at interests ng loan payments.

Source: Department of Education

No comments