Mabisang Komunikasyon Curriculum Guide
Mabisang Komunikasyon Curriculum Guide
Laang Panahon:
2 na oras kada linggo, 80 na oras sa isang taon
Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay nagpapahusay ng kumpiyansa at kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan sa mga personal at panlipunang konteksto, akademikong kapaligiran, kontekstong propesyonal o pang-trabaho, at espasyong media at digital. Dahil ito ay batay sa mga inaasahan ng Common European Framework of Reference (CEFR) sa Antas B2, ang mga mag-aaral ay lalahok sa parehong indibidwal at kolaboratibong kaganapan sa pakikipagtalastasan at nakatuon sa pag-unawa ng mga komplikadong teksto, pakikipag-ugnayan sa mga di-malaya at malayang sitwasyon, paggawa ng malinaw at detalyadong teksto, at pagpapaliwanag ng mga pananaw sa iba't ibang paksa o isyu. Sa pamamagitan ng mga ito, magagamit at maiaakma nila ang bokabularyo, mga panuntunan ng wika, at mga estratehiya sa komunikasyon na sa kalaunan ay magbubunga ng interkultural na kamalayan habang nadaragdagan ang kanilang kasanayan sa paggamit ng mga digital na kasangkapan at plataporma at sa pamamagitan ng pagbibigay, pagtanggap at pagtugon sa mga puna at mungkahi.
No comments
Post a Comment