Viral: Gurong nakuhanan ng video na nangurot, nanampal ng bata, pananagutin ng DepEd

Viral: Gurong nakuhanan ng video na nangurot, nanampal ng bata, pananagutin ng DepEd

Viral ngayon sa social media ang cellphone video ng isang gurong nakuhanan na kinurot at sinampal ang kaniyang estudyanteng babae sa Lahug Elementary School sa Cebu City.

Sa video na in-upload noong Hulyo 11 ay huli sa aktong sinampal at kinurot sa bibig ng titser ang Grade 5 student na babae,




Screengrab: Sampal at kurot sa bibig ang inabot ng batang babaeng mag-aaral na ito" sa kamay ng kaniyang guro.

Kuwento ni Atty. Bienvenido Jaban, legal officer ng Department of Education (DepEd) sa Cebu City, nahirapan ang bata na magbasa sa kanilang remedial class kaya umano napuno ang titser at nasaktan ang bata.

Pansamantalang inilipat sa ibang section ang batang nasakta ng guro.


Ayon sa tiyuhin ni bata, nais niyang mapanagot ang guro upang di na ito maulit pa sa ibang mag-aaral ang nangyari.

Hindi pinalampas ng mga netizens ang hindi kanais-nais na ginawa ng guro sa kaniyang mag-aaral. Kaya i-shenare nila ang video ng maraming beses hanggang sa mapukaw nito ang pansin ng Deped.

Ayon sa imbestigasyon ng DepEd Cebu City sa pamumuno ng legal adviser ng ahensya na si Atty. Bienvenido Jaban, nahirapan ang bata na magbasa sa kanilang remedial class kaya umano napuno ang titser at nasaktan ang bata.

Pero hindi daw ito katanggap-tanggap na rason para saktan ng guro ang isang batang mag-aaral. Kaya dahil sa kaniyang nagawa maaaring makasuhan ang guro ng simple o grave misconduct habang patuloy paring iniimbestigahan ang insidente.

"It could be considered as corporal punishment. So she may be facing grave misconduct or simple misconduct in accordance sa DepEd rules regarding child abuse," ayon sa opisyal ng DepEd.

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng Deped ang insidenteng ito.